Magkapatid na Ravena tumulak na papuntang Japan

Ngayong Miyerkules ng umaga na ang takdang byahe patungong Japan ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena.

Ayon sa ating mga kuliglig, napaaga ang lipad ng dalawa dahil sa mandatory 14-day quarantine sa Japan.

Matapos ang ilang buwang stand-off, pinayagan na ng PBA si Kiefer na maglaro sa Japan para mapangatawanan ang kontratang kanyang pinirmahan duon.

Yun nga lang obligadong bumalik sa PBA ang NLEX star guard matapos ang isang season roon, base sa concession na ibinigay ng PBA.

Si Kiefer ay magsusuot ng Shiga Lakestars jersey habang ang kapatid na si Thirdy ay lalaro sa kanyang ikalawang season sa San-En Neophoenix.

Inaasahang makakadagdag sa atensyon ng mga Pinoy sa B.League ang paglalaro duon ng dalawa at ng ilan pang Pinoy cagers gaya ng magkapatid na Juan (Earthfriendz Tokyo Z in Division 2) at Javier Gomez de Liano (Ibaraki Robots in Division 1), Ray Parks (Nagoya Diamond Dolphins) at Kemark Cariño (Aomori Wat’s, Div. 2).

September 30 ang opening ng liga habang nakatakda namang magharap ang magkapatid na Ravena sa unang pagkakataon sa October 2.

Back to top button